Related article: Child Abuse and the macho-dancing boy
Ang desisyun ng Jollibee Corporation na alisin muna ang advertisement ng Mang Inasal sa Willing-Willie habang ini-imbestigahan ng TV5 at ng MTRCB ang insidente noong March 12 ay nagpapakita na ang kanilang imahen na pangpamilya ay hindi lamang sa promosyon.
Talagang isanasambuhay nila ang tamang kaugalian na respeto at pangangalaga sa bawa’t miyembro ng pamilya, bata man o matanda.
Sumulat si Pauline Lao, ang namamahala ng corporate Media ng Jollibee Foods Corporation na may-ari ng 80 per cent ng Mang Inasal na mga restaurant kay Froilan Grate na siyang namamahala ng “Para kay Jan-Jan Facebook” at sinabing sa loob ng isang linggo, hindi na muna sila maglalagay ng advertisement sa Willing –Willie.
Sinabi ni Lao na hindi naman talaga naga-advertise ang Jollibee, Chowking, Greenwich at Red Ribbon sa Willing-Willie.