Tanong ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa hearing ng Senado noong Huwebes tungkol sa pagpatay sa 17-taong gulang na si Kian Delos Santos sa Caloocan noong Agosto 17:“Anong difference ng mga batang pinatay ng adik sa pinatay na bata ng mga pulis?”
Kung yung hindi malalim ang pag-intindi ng batas ang nagtanong niyan, mapagpasensyahan natin. Ngunit si Aguirre ay hindi basta-basta abogado lang. Justice Secretary siya. Siya ang adviser ng Pangulo para mapatupad ang hustisya sa bansa.
Sa salaysay ng mga nakakita ng pangyayari noong gabi ng Agosto 17 at sa resulta ng autopsy, kinaladkad ng tatlong pulis si Kian, grade 11 sa Our Lady of Lourdes Senior Highschool sa Valenzuela, mga pasado alas-otso ng gabi pagkatapos niya magsara ng tindahan.