Mabuti naman at sinabi ni US Defense Secretary Robert Gates Jr. na walang posisyon ang Amerika sa problema sa Spratlys kasi akala kasi ng maraming Pilipino na kapag magkagulo sa Spratlys laban sa China, kakampihan tayo ng mga Amerikano.
Wala tayong maasahan sa mga Kano, yan ang katotohanan.
Ito ang sinabi ni Gates sa press conference kahapon sa Camp Aguinaldo pagkatapos ng pag-uusap niya kay Defense Secretary Gilbert Teodoro: “There are a number of security challenges and obviously concerns on conflicting claims in the South China Sea, the United States takes no position on those claims, we only urge all of the parties involved to try and resolve these issues clearly, peacefully.”
Tinanong din si Gates tungkol sa Visiting Forces Agreement na binabatikos ng mga progresibong organisasyon at sabi niya comportable daw sila sa VFA. Dapat lang dahil nagagamit nila sa proteksyun ng kanilang mga sundalo kahit na binabastos na ang batas ng Pilipinas na pinapayagan naman ang ating mga opisyal.