Kumambyo na ngayon ang Malacañang at pipirmahan na raw ni Gloria Arroyo ang batas na nagbibigay ne exemption sa mga senior citizens sa 12 per cent na Value Added Tax. Pipirmahan na raw ni Arroyo ang btas sa susunod na linggo.
Noong Miyerkoles kasi ng ipinasa ng Kongreso ang batas, sinabi ni Deputy presidential spokesman Gary Olivar na baka raw i-veto ni Arroyo ang batas dahil mga P54.4 million raw ang mawawala sa pamahalaan.
Dios mio, naman walang patawad itong administrasyon ni Arroyo sa huthuthutan. Pati ba naman ang mga matatanda, hindi na pinapalampas. Ano ba naman ang P54.4 milyon sa P1.54 TRILYON (“T”yan ha, hindi Bilyon or Milyon) na kanilang budget.