Noong isang buwan, nang unang bumulaga ang krisis pinansyal sa Amerika na kumalat na sa ibang parte ng mundo, sinabi ni Gloria Arroyo hindi raw masyadong apektado ang Pilipinas dahil malakas daw ang pundasyon ng ating ekonomiya.
“Fundametals are strong”, yan lang palagi ang kanyang pinagyayabang. At yan daw dahil magaling daw siyang ekonomista kahit na garapalan ang kurakutan sa kanyang administrasyon.
Anong “strong fundamentals” ang pinagsasabi niya samantalang alam naman natin lahat na ang bumubuhay lang sa ekonomiya ng Pilipinas ay ang mga dolyares na pinapadala ng mga Overseas Filipino Workers na hindi bababa sa sampung milyon sa lahat na parte ng mundo, kahit sa kasulok-sulokan ng Alaska at Africa.