Nilagay ni Joey Reyes, direktor ng pelikula, sa kanyang Facebook wall ang natanggap niyang text tungkol sa magkasunod na barilan sa magkaibang branch ng SM at patok na patok. Ang daming nag-repost.
Ito ang nasa FB status ni Direk Joey:”Miss Universe question: Kung nahuli mo ang karelasyon mo na nagtataksil sayo, Saang SM Branch mo sya babarilin? and why?
Sumakit ang tiyan ko sa kakatawa. Pamatay talaga ang sense of humor ng Pinoy.
Hindi ko tinitingnan itong mga nakakatawang kumento na pinagtatawanan natin ang trahedya ng mga nawalan ng mahal sa buhay. Nakaka-shock ang nangyari at nakikiramay ako sa mga namatayan.