Inirekomenda ng United Nations Development Program (UNDP) na gawing legal ang prostitution o pagpu-puta para daw maproteksyunan ang mga kawawang puta.
Hindi yata tama.
Naawa ako sa mga puta dahil hindi talaga kanais-nais na trabaho ang kanilang ginagawa at marami sa kanila ay napipilitan lang para mabuhay ngunit mali yata ang solusyun na paggawa nito na legal. Para naman kinukunsinti ang ganung gawain.
Sinabi sa report na huwag daw gawing krimen ang pagpuputa para kapag legal ang kanilang trabaho, makakuha sila ng benepisyo katulad ng pagpapaeksamin sa doktor, insurance at pension.