Skip to content

Tag: sanggumay

Ang konsyerto ng mga palaka

My sanggumay. Still a beauty but not so fragrant anymore.
Habang nagkakantahan at nasasayawan sina Pangulong Aquino sa EDSAnoong Biyernes sa kanilang pagdiwang ng 25 taong anibersayo ng People Power, ako ay nakikinig sa kunsiyerto ng mga palaka.
Tuloy-tuloy hanggang lampas ng hatinggabi ang kunsiyerto ng mga palaka. Minsan may nagso-solo,pagkatapos pumapasok na parang background music. Ang galing. Talo si Ogie Alcasid at ang kanyang mga all-stars performers sa EDSA.

Sobra isang linggo na ako sa aming baryo sa Guisijan sa Antique at talaga namang nakaka-relax ang sariwang hangin, sariwang isda at sariwang gulay.


Nasubukan nyo na ba ang masaheng alon? ‘Yan ang nangyari sa akin noong isang linggo. Pinaghahampas kami ng alon. Masaya kaya lang masakit sa katawan.

Hindi masyadong damdam ng mga kapitbahay namin dito and selebrasyon ng EDSA1. Natutuwa lang ang mga bata dahil wala silang pasok kaya naligo kami sa dagat. Nang gabi nga nasalubong ko ang aming kapitbahay at sinabi niya makikinood daw siya kanyang katabing bahay ng “Willing-Willie.” Mukhang mas mabenta ang Willing-Willie kaysa EDSA1 na palabas.