Noong Biyernes ng gabi, lumabas si Pangulong Aquino (mga isang linggo din siyang hindi nakikita at naririnig mula nang pumunta siya sa lamay ng 44 na miyembro ng Special Action Force sa Camp Bagong Diwa) at nagsalita sa telebisyon tungkol sa trahedya sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.
Pangalawang pagsalita niya ito tungkol sa trahedya na hanggang ngayon ay hindi pa natutukoy ng opisyal kung sino tala ang may responsibilidad. Ngunit sa unit-unting lumalabas na balita, kahit mag-kakaiba nagkakaroon ng ideya ang publiko kung sino-sino ang may pananagutan.
Maliban kay Pangulong Aquino mismo, bilang commander-in-chief at nag-amin na alam niya ang tungkol sa operasyon at ang hepe ng SAF na si Chief Director Getulio Napeñas, may kinalaman din and suspendido na hepe ng Philippine National Police na si Alan Purisima.