Madalas ginagawang katatawanan ang mga intel reports ng pamahalaan dahil mukhang hindi produkto ng intelihenteng tao.
Kaya nang ginigisa ng mga senador si Rosario Uriarte, dating vice chair ng Philippine Charity Sweepstakes Office at general manager tungkol sa napakalaking intelligence fund na ginastos ng ahensya at hindi makasagot, hindi nagtataka ang marami.
Kaya lang sa kasong ito, hindi masabing trabaho ito ng walang alam. Mukhang operasyun ito ng matalinong tao. Tuso nga lang.
Kaya sa halip na gamitin ang pera para sa mahihirap na siyang mandato ng PCSO, mukhang may ibang pinuntahan ang pera.