Akala talaga ng mga tao sa Ombudsman sa pamumuno ni Merceditas Gutierrez ay hindi sila sakop ng batas. Ang lalakas ng loob! Ang kakapal ng mukha!
Pakutya na sinabi ni Assistant Ombudsman Jose de Jesus na sorry na lang ang Malacañang at hindi nila susundin ang order ng Pangulo na patalsikin si Deputy Ombudsman Emilio A. Gonzalez III dahil na-imbestigahan na raw nila ang akusasyon ng namatay na pulis na si Rolando Mendoza na kinikikilan siya ng P150,000 at “cleared” na raw si Gonzalez.
Pambihira naman. Sila-sila lang ang nagi-imbestiga ng kanilang sarili. Siyempre “cleared”.
Noong Biyernes pinalabas ng Malacañang ang order ni Pangulong Aquino na tanggalin sa pwesto si Gonzalez pagkatapos ma kumpirma ng team na pinangungunahan ni Executive Secretary Jojo Ochoa ang resulta ng imbestigasyun at rekomendasyun ng Incident Investigation and Review Committee (IIRC) na pinamumunuan ni Justice Secretary Leila de Lima na dapat panagutin si Gonzalez dahil nagpabaya at hindi tama ang kanyang asal (gross neglect of duty and gross misconduct) sa paghawak sa kaso.