Sabi nga ng mas marunong at may karanasan sa buhay na ang buhay ay hindi sa kung ilang beses ka nadapa kungdi kung paano ka bumangon sa iyong pagkalugmok. Hindi yung paano ka nahambalos ng tadhana kungdi kung paano mo siya sinuong ng taas noo.
Kaya hangang-hanga ako kay Raissa Laurel, ang law student sa San Sebastian University na nadisgrasya sa pagsabog sa harapan ng La Salle sa Taft Avenue noong Sept. 26. Katapusang araw yun ng bar exam at marami ang naghihintay sa mga kumuha ng bar sa kinaugaliang “salubong.”