Ang rafflesia ay ang pinakamalaking bulaklak sa mundo na naitala ngayon. Maaring merong mas malaki pa ngunit hindi pa nadidiskubre.
Ang rafflesia ay sobra isang metro ang laki kaya nasa lupa lang siya nakalatag. Parang red-orange ang kulay. Hindi maganda ang amoy dahil kumakain ng mga kung ano-anong mga insekto o mali-liit na hayop. Matatagpuan ito sa kabundukan ng Antique,ang aking probinsya, at Mindanao dito sa Pilipinas. Meron din daw sa Malaysia, sa gubat ng Sarawak.
Ang rafflesia ay isa sa ipinag-mamalaki ng Antique. Ngunit hindi pa ako nakakita ang aktuwal na rafflesia dahil sa gubat ng Sibalom at San Remigio yun matatagpuan. Sinabi sa akin na sa kabundukan yun at aabutin daw kalahating araw na paglalakad bago makarating doon. At medyo delikado daw pumunta doon basta-basta dahil may mga nakatira doon na mga kababayan nating No Permanent Address. Alam nyo na.
Ngayon ko lang nalaman na si Prof, Leonardo Co pala ang nakadiskubre ng rafflesia dito sa Pilipinas kaya nakapunta na sya doon sa kabundukan ng Antique. Ang pang-apat na Rafflesia na nadiskubre ay ipinangalan sa kanya: Rafflesia Leonensis.
Noong Lunes, Nobyembre 15, napatay si Co at ang kanyang dalawang kasama na sina Sofronio G. Cortez, forest guard day of ng EDC-Environmental Management Division a pag-aari ng pamilyang Lopez at Julius Borromeo, miyembro ng Tongonan Farmers Association (Tofa) sa Kananga, Leyte .Nakalibre ang isa nilang kasama na si Policarpio Balute.