Ang Pilipinas ay demokrasya.
Maraming dugo ang pinuhunan ng mga nauna sa atin para natin makamtan ang ating kalayaan at magkaroon ng demokrasya kung saan lahat tayo ay pantay-pantay ang karapatan, mayaman o mahirap, matalino man o bobo, maputi o maitim, bata o matanda, mataas man o punggok, mataba man o payat.
Ang ganung prinsipyo ay nakasaad sa ating Saligang Batas.
Sa demokrasya, dapat lahat na mamayan ay may pantay-pantay na oportunidad mamuno ng bayan: Sabi sa Article II Section 26 ng ating Constitution: “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law.”
Binanggit ng mga gumawa ng Constitution ang “political dynasties” dahil alam nila na hindi tama na ang iilang pamilya lamang ang may control ng kapangyarihan sa bansa.