Skip to content

Tag: Ping Lacson

Bagong imbestigasyon ang hinihingi ni Lacson

Hindi humihingi ang mga abogado ni Sen. Panfilo Lacson ng special treatment sa kanilang kliyente sa kanilang gustong magkaroon ng panibagong imbestigasyon sa kasong pagpatay sa public relations man na si Bubby Dacer at ang kanyang driver na si Emmanuel Corbito.

Ang hinihingi lang ni Lacson ay maayos na pagpatupad ng batas. Hindi naman lingid sa lahat kung paano at kung bakit gusto talaga ni Gloria Arroyo at ng kanyang asawang si Mike si Lacson. Sa lahat naman kasi na kritiko ni Arroyo si Lacson ang pinakadelikado dahil matinik magkahalungkat ng baho ng mag-asawang naglapastangan ng bansa ng siyam
na taon.

Siyempre hindi mapatawad ni Mike Arroyo si Lacson sa pagbulgar na alias Jose Pidal pala siya. Nabulgar na rin tuloy ang tungkol kay Vicky Toh.

Laking tuwa ng Malacañang

Walang mapagsidlan ang Malacañang ng kanilang tuwa sa tagumpay ng operasyon nila laban kay Sen. Panfilo Lacson ng ililabas ng judge kapahon ang warrant of arrest para sa pinakamasugid na kritiko ng pamahalaan.

Nakita nyo ba ang mukha ni Gary Olivar, deputy presidential spokesman ng nagbigay ng reaksyun sa warrant of arrest ni Lacson? Hindi maitago ang tuwa. Kunwari pang hands off. Alam naman natin kung paano pinaandar ang makinarya ng pamahalaan para lamang madiin si Lacson sa pagkamatay ni Bubby Dacer at ng kanyang driver na si Emmanuel Corbito.
Narinig ko sa radio si Ric Diaz, hepe ng National Bureau of Investigation counterterrorism unit, at siya ang namumuno sa team na maghahanap ngayon kay Lacson. Tumatawa siya sa radyo na parang nanunuya.

Sige tumawa ka. Bilog ang mundo. Kapag oras na ang amo mong utak ng maraming krimen sa mamamayang Pilipino ang hahabulin ng batas, ang taumbayan ang magkaroon ng selebrasyon.

I left to evade conspiracy: Ping

Question: Why is former President Joseph Estrada not being charged when he was also named in the case?

by JP Lopez
Malaya

Sen. Panfilo Lacson yesterday admitted that he left the country early last month to evade what he called an “evil conspiracy” against him.

“As I had correctly suspected, the harassment by the DOJ upon the order of Malacañang will never stop. I am a victim of a conspiracy of whispers between Mrs. (Gloria) Arroyo and her stooge in the Department of Justice,” Lacson said in a statement.

Lacson said the Arroyo administration has employed “even the most tenuous of evidence to justify their own interpretation of probable cause to satisfy their political vendetta against my person.”

Ingat sa tsismis

EscuderoNgayong palapit na 2010 eleksyun, dumadami ang mga panggulong mga balita.

Kawawa nga itong si Senator Chiz Escudero. Itong mga nakaraang araw, siya ang pinagdidiskitahan ng ilang grupo na mag-withdraw sa 2010 presidential contest.

Noong Linggo, maaga kong kinalampag ang kanyang political consultant na si Malou Tiquia dahil sa text na nakuha ko tungkol sa SWS survey na run-away si Sen. Noynoy Aquino sa survey sa Luzon.

Malaki ang nakain ni Noynoy sa rating ng ibang mga kandidato katulad nina Sen.Manny Villar, Estrada at Escudero. Pati narin nga yung kay Noli de Castro.

Kahanga-hanga ang ginawa ni Lacson

Kahanga-hanga ang desisyon ni Sen. Panfilo Lacson na mag-withdraw sa 2010 presidential race.

Sa interview niya sa TV Patrol sinabi niya ang dahilan ay ang kahirapan na mangalap ng kontribusyon para sa eleksyon sa susunod na taon.

Sabi niya, walang kinalaman ang binubuhay ng administrasyon na kaso ng pagpatay sa isang public relations executive na si Bubby Dacer at ang kanyang driver na si Emmanuel Corbito. Hindi raw siya nababahala doon dahil hindi siya sangkot. Naniniwala siyang lalabas ang katotohanan.

Lacson quits 2010 presidential race

Taped message delivered by Sen. Panfilo Lacson on ANC Leadership Forum

ping-lacsonThank you for this invitation to the second ANC Leadership Forum. Up until I made a decision last Sunday to retire myself from a race that would matter most in the lives of our beloved countrymen, I had every intention to share with our people my vision of what the Philippines ought to be in a Ping Lacson presidency.

Marahil sa huling pagkakataon, sa isang pagpupulong na tulad nito, nais kong ipabatid sa aking mga minamahal na kababayan na ang kahirapan at kawalan ng mga serbisyong pangkalusugan, edukasyon at seguridad ng mamamayan ay hindi mabibigyang lunas ng pamumudmod ng tulong mula sa mga pulitiko tuwing papalapit ang halalan; tulong na magaan at madaling ipamigay dahil madaling kinikita sa pamamagitan ng pagsasamantala sa kaban ng bayan.