Skip to content

Tag: PCSO

What will happen to my lotto bet?

PNP Chief Oscar Albayalde leads the closing of lotto outlets. Screengrab from ABS-CBN video.

After reading Sen. Ping Lacson’s revelation of the billions of pesos collected by the Philippine Charity Sweepstakes Office that do not go to government coffers and are instead diverted to the pockets of PCSO officials., corrupt politicians, policemen and syndicate operators, I feel my lotto problem is minuscule.

But I still want my P576 back.

I buy my lotto tickets in bulk- six draws- to save time and effort in going to lottery outlets.

Last Friday, I went to an SM lotto outlet to place my bets for six draws of 6/42, 6/45,6/49 and 6/55. I paid P576.

PCSO intel funds – gawain ng mga tuso

Dipping into intel funds
Madalas ginagawang katatawanan ang mga intel reports ng pamahalaan dahil mukhang hindi produkto ng intelihenteng tao.
Kaya nang ginigisa ng mga senador si Rosario Uriarte, dating vice chair ng Philippine Charity Sweepstakes Office at general manager tungkol sa napakalaking intelligence fund na ginastos ng ahensya at hindi makasagot, hindi nagtataka ang marami.

Kaya lang sa kasong ito, hindi masabing trabaho ito ng walang alam. Mukhang operasyun ito ng matalinong tao. Tuso nga lang.
Kaya sa halip na gamitin ang pera para sa mahihirap na siyang mandato ng PCSO, mukhang may ibang pinuntahan ang pera.

Hindi pinatawad ni Arroyo at ng mga galamay ang PCSO

Related links:

http://newsinfo.inquirer.net/18365/gloria-arroyo-left-p4-b-debt-says-pcso

http://newsinfo.inquirer.net/18695/pcso-bares-ad-kickbacks

Ginawang gatasan
Nakabalandra ang salitang “Charity” sa titulo na Philippine Charity Sweepstakes Office dahil yan ang rason bakit ipinatayo ang opisinang yun.

Ang ibig sabihin ng “Charity” ay kawang-gawa. Ang kawang-gawa ay para sa mga mahihirap. Hindi binibigyan ng kawang-gawa ang mga maykaya.

Nabulgar na ang PCSO pala ng panahon ni Gloria Arroyo ay gatasan ng mga malalapit sa kanya ay ginamit ang pera na dapat para sa mahihirap.

Hindi na nakapagtataka kung bakit kahit anong pandaraya, kurakutan at pagbaluktod ng batas na ginawa ni Arroyo, mabango pa rin siya sa ibang miyembo ng media , suportado siya ng ilang obispo at hindi natitinag ang suporta ng ilang congressman.

Busog pala sila ng pera galing sa PCSO. Busog sila sa pera ng taumbayan at para sana sa mahihirap nating kababayan.