Hindi sang-ayon ang grupo ng mga scientists,Agham (Advocates of Science and Technology for the People) sa pagsibak kay Dr. Prisco Nilo, director ng Pag-asa.
Sabi ng Agham dapat ay ipinaliwanag kay Pangulong Aquino na tingnan ang kaso ng pagkamali ng weather forecast sa bagyong “Basyang” sa dalawang punto.
Dapat, maintindihan kung ano ang bagyo. Iyon ay lakas ng kalikasan. Nagbibigay ang Pagasa ng kanilang assessment sa pagkilos ng bagyo tuwing anim na oras. Ang pagiging eksakto ng pagbasa ng bagyo ay depende sa kakayahan ng instrument na gamit.