Skip to content

Tag: OPAPP

Paliwanag ni Deles tungkol sa P5 milyon

Wants to know details of P5 M
Halatang-halata ang sama ng loob ni Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Quintos-Deles na pinagdududahan ang kayang katapatan kay Pangulong Aquino sa kanyang pahayag na sagot kay Sen.Francis Escudero na binatikos siya sa kanyang mga kwestyonable na mga payo kay Pangulong Aquino.
Don't worry, P5M is subject to audit

Sa simula ng kanyang sinabi na niya kaagad na nag-resign siya noong Hulyo 2005 sa administrasyong Arroyo kasama sa grupong Hyatt 10.

Ang isa sa isyu na binanggit ni Escudero ay ang P5 milyon na ayuda sa Moro Islamic Liberation Front na matagal nang nakikipagbakbakan sa ating Hukbong Sandatahan. Ang mainit na engkwentro ay yung nangyari
noong Oktubre 18 sa Albarka,Basilan kung saan 19 na sundalo ang namatay.

Hindi maalis na lalong magagalit ang marami dahil ang dating ng mga aksyun ni Aquino ay alaylay na alalay sa MILF. Sa kanyang unang pahayag, nagalit sa palpak ng military at hindi siya nag-order na tugisin ang MILF na sangkot sa trahedya. Nang sumunod na mga araw,nang lumabas ang balita ng demoralisasyun sa military, sinabi niyang bibigyan daw ng hustisya ang mga namatay.