Skip to content

Tag: Olympics

Walang pusong kaunlaran

Bilib na sana ako sa China. Ngunit ng lumabas ang kwento tungkol sa pagtanggal nila sa pitong taong batang si Yang Peiyi sa opening ceremony ng beijing Olympics, nawala na ang bilib ko.

Ang isang bansa, kahit gaano kayaman o kagaling, kung hindi marunong magrespesto sa pakiramdam ng kanyang mga tao, lalo pa bata, wala yun.

Sinabi sa report na napabilib ni Lin Miaoke, siyam na taong gulang batang Intsik, ang milyon-milyon na nanood nang siya kay kumanta ng “Ode to Motherland” habang siya ay itinaas sa mga alambre. Ngayon nanuking na lip-sync lang pala ang ginawa at ang talagang kumant ay ang pitong taong gulang na si Yang Peiyi.