Skip to content

Tag: OFW

Pagwawaldas ng pera sa Dubai

Kunwari sa mga press release ng Malacanang ay inaasikaso ni Arroyo ang paghihirap ng mamayang Pilipino sa gitna ng krisis pang-ekonomiya kung saan libo-libong OFW ang nawawalan ng trabaho.

Pero sa totoo lang patuloy ang pagwaldas ng pera ng taumbayan sa sariling luho kasama na ng kanyang mga alagad.

Sumulat sa aking blog si Ares Gutierrez, isang Pilipinong manunulat na nagtatrabaho sa XPRESS sa Dubai, tungkol sa bisita ni Arroyo. Sabi ni Ares, inis na inis raw siya nang pinakilala ni Arroyo ang sangkaterba niyang kasama.

Mali ang minura ni Tsao

Huwag magkamaling pumunta dito sa Pilipinas itong si Chip Tsao at babalatan siyang buhay.

Itong si Chip Tsao na taga Hongkong ay sumulat sa isang Hongkong magazine at galit na galit siya sa mga Pilipino dahil kini-claim ng Pilipinas ang ilang isla sa South China Sea. Sa pag-iisip kasi ng China, sila ang may-ari ng buong South China Sea.

Maliban sa Pilipinas at China, apat pa ng bansa ang nagsasabing sila ang may-ari ng ilang isla diyan sa South China Sea katulad ng Vietnam, Malaysia, Brunei at Taiwan (na sinasabi ng China na probinsiya lang nila.)

Okay lang ang may mga claim na hindi magkatugma. Pwedeng pag-usapan ng maayos. Ang hindi okay ay ang panlalait na ginawa nitong si Tsao.

‘A nation of servants’

Do we deserve this?

chip-tsao

The war at home

by Chip Tsao

HK Magazine

The Russians sank a Hong Kong freighter last month, killing the seven Chinese seamen on board. We can live with that—Lenin and Stalin were once the ideological mentors of all Chinese people. The Japanese planted a flag on Diàoyú Island. That’s no big problem—we Hong Kong Chinese love Japanese cartoons, Hello Kitty, and shopping in Shinjuku, let alone our round-the-clock obsession with karaoke.

But hold on—even the Filipinos? Manila has just claimed sovereignty over the scattered rocks in the South China Sea called the Spratly Islands, complete with a blatant threat from its congress to send gunboats to the South China Sea to defend the islands from China if necessary. This is beyond reproach. The reason: there are more than 130,000 Filipina maids working as $3,580-a-month cheap labor in Hong Kong. As a nation of servants, you don’t flex your muscles at your master, from whom you earn most of your bread and butter.

Pagpupugay sa OFW

Itong pagpupugay sa mga OFW ay pinadala sa akin ni Magno Rivera na ngayon ay nasa Saudi. Sabi niya pinadala raw sa kanya ni Frankie Villaflor.

Hindi mayaman ang OFW
– Akala ng marami sa ating kapag OFW o nasa abroad ay mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P50K-P300K per month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas malaki ang sweldo, ngunit para sabihin na mayaman sila ay maling-mali.

Mahirap maging OFW
– Kailangan magtipid hangga’t kaya. Oo, masarap ang pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo at itlog lang tinitira para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan eh ang conversion ng peso sa dollar o riyal o euro. Mas okay na magtiis sa konti kaysa gutumin ang pamilya.

Dolyar ang tinitingnan

Sa Taiwan, si Nemecia Armia, 39 -na-taong gulang na titser, ay naghihintay sa bilangguan ng kanyang kamatayan.

Si Armia ay nahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng baril noong Sept. 12, 2007 sa salang pagpatay sa isang Chiu Maiyun sa pamamagitan ng pagsaksak. Itinanggi ni Armia na siya ang pumatay. Na frame up lang daw siya kahit na inamin niyang ginamit niya ang ATM ng biktima sa pag-withdraw ng cash at may knalaman siya sa pagtapon ng katawan.

Sabi niya ang pumatay talaga ay nangangalang Mr. Chang at Mr. Wu. Tinakot daw sila ng kanyang boyfriend na si David Fillion kaya sinunod ang kanilang utos na magwithdraw sa ATM gamit ang card ng namatay at ang pagtapon ng katawan noon. Wal;ong buwan pagtapos nangyari ang krimen, bumalis sa Amerika ang boyfriend ni Armia at nagpakamatay.