Wala ng katapusan na kahihiyan itong ginagawa ni Gloria Arroyo sa bayan.
Noong Biyernes, nilabas ng Organization of Economic Cooperation and Development (OECD) ang pangalan ng apat na bansa na kanilang na blacklist dahil sa hindi bukas ang banking system sa pagbigay ng impormasyon para sa kanilang kumpanya laban sa katiwalian. Isa doon sa apat at ang Pilipinas. Ang iba ay Costa Rica, Malaysia at Uruguay.
Hindi nakapagtataka. Siyempre hindi talaga papayag si Arroyo na magiging bukas ang mga bangko sa impormasyon ng mga transakyon. Kung hindi, mabubuking siya at ang kanyang asawa at ang kanilang mga alagad at kaibigan ang kanilang mga raket.
Ang OECD at organisasyon ng mga maykayang bansa at ang kanilang sinusulong ay demokrasya at at kapitalismo. Kasama sa OECD ang pinakamalaking ekonomiya katulad ng China,United States, Japan, Germany, France