Akala siguro ni Manila Mayor Alfredo Lim, mababawasan ang sisi sa kanya sa paghingi daw ng tawad sa kanya ni Chief Supt. Rodolfo Magtibay na siyang nagsabi na si Lim ang nag-order na arestuhin si SPO2 Gregorio Mendoza, kapatid ng hostage-taker na si dating Senior Police Inspector Rolando Mendoza.
Sinabi ito ni Magtibay sa imbestigasyon ng Senado. Sang-ayon naman ang lahat na maayos ang takbo ng negosasyun sa simula at nagpalaya na nga ng ilang hostages. Nag-iba ang ihip ng hangin ng makita ni Rolando Mendoza na kinakaladkad ang kapatid niya ng mga pulis. Live ito pinapakita sa TV. May TV ang bus.
Gusto ko lang klaruhin. Hindi ko kinukunsinti ang ginawa ni Rolando Mendoza. Malaki ang kasalanan niya sa gulong ito. Ngunit lalong lumaki ang krisis dahil sa kapalpakan ng ating mga opisyal.