Kasama sa pagdasal para kay Dolphy ay ang panawagan ng marami niyang kaibigan at tagahanga na ibigay sa kanya ang National Artist Award o Orden ng Gawad Pambansang Alagad ng Sining, ang pinakamataas na pagkilala ng kontribusyon ng isang Pilipino sa larangan ng Sining na binibigay ng pamahalaan.
Wala namang tutol diyan dahil sang-ayon naman ang lahat sa kontribusyon ni Dolphy sa pagpasaya ng sambayanang Pilipino. Kaya lang may proseso ang National Artist award at hindi naman tama na i-short cut dahil lang sa delikado ngayon ang lagay ni Dolphy.
Sa tamang panahon, maaring ibigay yan ay Dolphy na walang bahid ng paboritismo at anomalya katulad ng nangyari noong panahon ni Gloria Arroyo para kay Carlos Caparas at kay Cecille Alvarez.