Skip to content

Tag: MOA-AD

Hamon sa oposisyon na kongresista

House Justice Committee junks MOA-AD intervention

Nang isinampa ng mga bloggers sa pangunguna ni Manuel L. Quezon III ang impeachment complaint laban kay Gloria Arroyo noong Miyerkoles, walang kongresista na nag-indorso.

Ayaw kasi ng mga Bayan Muna at ng Gabriela ang isyu ng MOA-AD (Memorandum of Agreement-Ancestral Domain) dahil kakampi nila ang Moro Islamic Liberation Front, na siyang makinabang sa pag parte-parte ng teritoryo ng Pilipinas ng lupain sa Mindanao na ginawa ni Gloria Arroyo.

Naniwala ang mga bloggers na nag-file ng impeachment complaint na kaya ginawa ang MOA-AD ay paraan yun para maisulong ni Arroyo ang charter-change na siyang magpapalawig ng kanyang hawak sa kapangyarihan. Ito ay labag sa batas at isang impeachable offense.

Hindi nakakasiguro si Arroyo

Dapat lang mag-alala si Gloria Arroyo kapag tingnan niya ang botohan ng Supreme Court sa MOA-AD.

Hindi dahil natalo ang Malacañang dahil sabi nga ni Press Secretary Jesus Dureza, ibinasura na nila yun na nahalata nilang nabuking sila sa kanilang pambabastos ng Constitution. Kungdi, lumalabas na ang mga taong akala niya hawak niya ay minsan nagkakaroon ng konsyensya at darating ang oras na hindi niya mapagawa ng kanyang kagustuhan.Habang palapit na ang kanyang pagkawala sa kapangyarihan, hihina na rin ang hawak niya sa kanila.

Sa mahigpit na botohan (8-7), sinabi ng Supreme Court na labag sa batas ang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain sa pamamagitan ng pamahalaang Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.