Related reports from Inquirer:
Update, Feb. 9,2009: Mike need not show up – Miriam
Senate won’t summon Mike Arroyo
Sa asal nina Senate President Juan Ponce Enrile at Sen. Miriam Santiago sa report ng World Bank tungkol sa kurakutan sa public works, napa-isip ako kung nakakabuti nga ba sa taumbayan ang pagtanggal kay Sen. Manny Villar bilang senate president na siyang nagbigay daan para ang mga senador na kaalyado ni Gloria Arroyo ngayon ang may kontrol ng pagpatakbo ng Senado.
Katulad nitong si Santiago, chairperson ng committee on economics na siyang nag-iimbistiga ng kurakutan sa DPWH base sa report ng World Bank na nag blacklist ng ilang construction company kabilang na ang E.C. Luna Corp, China Road and Bridge Corp ; China State Construction Corp, China Wu Yi Corp ; China Geo-Engineering Corp, Cavite Ideal International Construction and Development Corp. at CM Pancho Construction Inc. Halatang-halata naman na gustong protektahan ni Santiago ang mag-asawang Arroyo.
Kunwari nanggalaiti siya kina Public Works Secretary Hermogenes Ebdane at kay Eduardo de Luna, ang may-ari ng isang construction company na blacklisted ng World Bank. Ngunit nang binasa ni Senador Ping Lacson kay de Luna ang mga miting niya kay Mike Arroyo, hindi siya masyadong intresado. Half-day lang ang ginawa niyang hearing. Bitin tuloy.