Skip to content

Tag: MILF

Ang mga bakwet

Click here (VERA Files) for an article and podcast of Siti.

Siti
Siti
Nakilala namin si Babu Siti Sanday, 57 taong gulang na Maguindanaon, na ngayon isa sa mga ‘bakwet’ sa Datu Piang, sa 5th Mindanao Media Summit sa Cagayan de Oro noong Linggo.

Ang ibig sabihin ng ‘bakwet’ at naglilipat ng tirahan. Kadalasan ito ay dahil sa may tinatakbuhan katulad ng giyera.

Patapos na ang 5th Mindanao Media Summit na ginanap sa Marco Hotel nang dumating siya dahil mahaba rin ang kanyang binyahe mula sa evacuation center kung saan magda-dalawang taon na sila doon nakatira kasama ang mga 300,000 na kapwa bakwet.

Dapat klaruhin kung kalaban o kaibigan ang MILF

Grabe itong nangyari sa ating mga sundalo sa Tipo-tipo, Basilan.

Ayon sa mga report, sobra 40 ang patay sa engkwentro ng pwersa ng pamahalaan at magkasanib na Abu Sayaff at MILF (Moro Islamic Liberation Front) noong Miyerkules sa Basilan.

Sabi ng military na sa 23 na patay sa kanila, 19 ay Marines, tatlo ay Army (Scout Rangers) at ang isa ay pulis. Ang ibang patay ay sa panig ng Abu Sayaff at MILF.

MILF – Abu Sayyaf alliance causes heavy casualty on government troops

Update from the Inquirer:Dead soldiers mutilated

This statement by Dolorfino raises the question on the government’s policy towards the MILF:

Philippine Star:

Dolorfino later told a briefing in Zamboanga City that the government suffered 23 killed and 22 others wounded.

He added the Abu Sayyaf were aided by gunmen belonging to the Moro Islamic Liberation Front (MILF).

He said 10 of the rebels killed during the firefight have been identified as MILF guerrillas.

Hindi nakakasiguro si Arroyo

Dapat lang mag-alala si Gloria Arroyo kapag tingnan niya ang botohan ng Supreme Court sa MOA-AD.

Hindi dahil natalo ang Malacañang dahil sabi nga ni Press Secretary Jesus Dureza, ibinasura na nila yun na nahalata nilang nabuking sila sa kanilang pambabastos ng Constitution. Kungdi, lumalabas na ang mga taong akala niya hawak niya ay minsan nagkakaroon ng konsyensya at darating ang oras na hindi niya mapagawa ng kanyang kagustuhan.Habang palapit na ang kanyang pagkawala sa kapangyarihan, hihina na rin ang hawak niya sa kanila.

Sa mahigpit na botohan (8-7), sinabi ng Supreme Court na labag sa batas ang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain sa pamamagitan ng pamahalaang Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.

MOA-AD unconstitutional , 8-7

by Evangeline de Vera
Malaya

The Supreme Court, voting 8-7, yesterday declared unconstitutional the memorandum of agreement on ancestral domain that the government would have signed with the secessionist Moro National Liberation Front two months ago.

The MOA-AD, whose signing was stopped by the tribunal, proposes to create a Muslim homeland in the South which will have its own judicial system and police force.

The Muslim homeland will be governed by the Bangsamoro Juridical Entity (BJE), also proposed to be created under the MOA, which can enter into economic agreements and trade relations with other countries.

The Supreme Court said the government peace negotiating panel that crafted the MOA with the MILF violated the Constitution when it initialed the agreement that would have ceded a portion of the country’s territory to the secessionist group under the BJE.

Pera-pera lang

Galit na galit si Sen. Rodolfo Biazon sa panukala ni Secretary Ronaldo Puno ng Interior and Local Government na magbibigay sila ng P25 milyon sa Moro Islamic Liberation Front kung isu-surender nila sina Ameril Ombra kato, Abdulla Macapaar alias Kumander Bravo at Aleem Sulaiman.

“Hindi ako papayag na pagsinurender yung dalawang commander binigyan pa natin ng P25 milyon yung MILF. Ibibili nila ng bala at baril yan,” sabi ni Biazon.

Ang P25 milyon at para sa talong kumander. Noong isang linggo kasi, dinoble ang patong sa ulo nina Kumander Ombra kato at Bravo ng tig-P10 milyon. P5 milyon naman ang patong sa ulo ni Kumander Sulaiman.