Nabastos talaga ng husto ang partylist system.
Ang layunin ng batas ay matino: mabigyan ng representasyon ang mga naapi at mga walang boses. Kasi nga sa gastos ng ating klaseng pulitika, ang mga mahihirap ay wala talagang pag-asang magkaroon ng representasyon sa Kongreso.
The ‘marginalized’
Ayon sa ating saligang batas, “The party-list representatives shall constitute twenty percentum of the total number of representatives….from labor, peasant, urban poor, indigenous cultural communities, women, youth” at iba pang sector ayun sa batas maliban lamang sa religious sector.
Ngunit tingnan mo naman itong Buhay, isa sa mga nanalo. Isa sa kanilang nominee ay si Mike Velarde ng El Shaddai. At halata namang partido ito ng El Shaddai na alam naman natin ay religious kuno.