Sinabi ni Aquino na nang ininterbyu siya ng media noong 2001, sinabi niya na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng dalawa at hanggang ngayon, ganun din ang sasabihin niya. “ That’s the truth and nothing has changed since then. Then and now, I still maintain my innocence.”
Dagdag pa ni Aquino,”Gusto ko pong malaman ng sambayanang Pilipino na wala pong utos sa akin si President Joseph Ejercito Estrada o si Senator Panfilo M. Lacson to kidnap, harm and/or murder anyone specifically Mr. Salvador Dacer and Mr. Emmanuel Corbito. Wala na po akong maidaragdag, dahil wala po akong karagdagang kaalaman.”