Noong Pebrero 16, inilathala ko rito ang reklamo ni Arman Eusebio, taga Pasay, tungkol sa sinasabi niyang pangi-ngikil ng mga tauhan ng Meralco sa kanila pagkatapos nadiskubre ang jumper sa kanilang katabing bahay noong Oktubre 2008.
Sabi ni Arman, sinisingil siya ng Meralco ng Php237,670.80.
Sabi ni Arman, “Ano bang klaseng trabaho ba ito? Parang isang malaking ‘extortion practice’ itong ginagawa nila eh. Pati ba naman sa Meralco wala na ding hustisya ang mga imbestigasyon?