(Unang lumabas itong column sa https://www.abante.com.ph/prangkahan-huwag-gawing-basurahan-ang-marawi.htm)
Lugmok na nga ang Marawi ngunit sa halip na tulungan palakasin ang kalooban, ini-insulto pa.
Ito ang tingin ng marami sa ginawa ni Police Chief Ronald Dela Rosa sa pagpadala ng dalawang tiwali nag a pulis sa Marawi.
Tama lang na pinuna ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at nagreklamo si Zia Along Adiong, ang tagapagsalita ng Marawi Crisis Management Committee.
Kumalat sa social media noong isang linggo ang video nina PO1s Jose Julius Tandog at Chito Enriquez ng Mandaluyong police na sinasaktan ng yantok ang dalawang lasing na nahuli at dinala sa pulis station. Hindi nila alam ng mga pulis na habang sinasaktan nila ang isa, kinukuhaan pala sila ng video ng kasama.
Bilang parusa, sabi ni de la Rosa bilang parusa, maliban sa kasong administratibo na isasampa laban sa dalawa, ipadala sila sa Marawi para “doon nila ipakita ang kanilang tapang.”