Nagkataon lang kaya o may kuneksyun ang pagtanggal kay Director Magtanggol Gatdula ng National Bureau of Investigation sa kanyang pwesto at ang desisyun ng Manila Regional Trial Court (Branch 18) na manatili ang dating opisyal ng pulis na si Cezar Mancao II bilang akusado sa kaso ng pagpatay sa publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at ang kanyang driver na si Emmanuel Corbito?Marami sa mga reporter na nagtatrabaho sa Japanese media ang nagtataka kung bakit pinatulan ni Justice secretary Leila de Lima ang paratang ng Haponesang si Noriyo Ohara na kinidnap daw siya at kinikilan ng mga ahente ng NBI kasama si Gatdula.
Alam daw kasi ng mga opisyal ng Japanese Embassy na may kuneksyun ni Ohara sa mga hindi kanais-nais na mga grupo sa Hapon at hindi malaman kung alin sa mga sinasabi niya ay totoo. Noong taon 2009 pa raw dito sa Pilipinas ngunit noong Oktubre 29, 2011 siya hinuli ng mga ahente ng NBI sa Pangasinan sa bahay ng ‘handler’ niya dito.
Itong handler niya, kilala ang isang media man na may kuneksyun sa mga taga DOJ.