Pinakita sa akin ng aking kaibigang si Pamsy Tioseco, public relations officer ni Sen. Loren Legarda, ang magandang Christmas decoration sa pintuan ng opisina ni Senator Antonio F. Trillanes IV sa Senado.
“Talagang excited na sila sa pagdating ng kanilang boss,”sabi ni Pamsy tungkol sa mga staff ni Trillanes.
Talaga naman. Sa paglabas ng panibagong amnesty proclamation (Proclamation no.75), kung saan isinama ang mga suhestyun galing sa mga senador at congressman, inaasahan na makalabas na si Trillanes sa kulungan bago mag-Pasko.
Sana nga bago Disyembre 15, bago mag-Christmas break ang Senado para makita naman niya ang kanyang opisina.
Pitong taon nang nakakulong si Trillanes as kanyang panindigan sa paglapastangan ni Gloria Arroyo ng batas at pagtiwala ng taumbayan. Unang nilang ginawa ng kanyang mga kasamahang opsiyalk at sundalo ang pagkondena sa korapsyun sa pamahalaang Arroyo sa Oakwood Hotel noong Hulyo 27, 2003.
Nanindigan sila ulit noong Nobyembre 29, 2007, tatlong taon na ngayong araw, nang sila ay nag-walkout sa hearing sa Makati Regional Trial Court at pumunta sa Manila Peninsula.