Nagsalita na rin si Etta Rosales, chairperson ng Commission on Human Rights, tungkol sa order ni Manila Mayor Lim na shoot-to-kill sa limang pulis na nangbulsa daw P12 milyon, mula sa P16 milyon ransom money na ibinayad ng nakidnap na negosyanteng Malaysian.
Sabi ni Rosales para naman “gangland” tayo sa order ni Lim.
Nauna nang binatikos ni Justice Secretary Leila de Lima, na dating chair din ng CHR, sa kanyang order. Sabi ni Lima akala yata ni Lim ay nasa “Wild,wild West” tayo.
Nagsalita na rin si Manila Auxiliary Bishop Broderick Badillo. Sabi niya, kahit nga mga huwes hindi nagbibigay ng ganyang order. May proseso. May warrant of arrest.”Sino si Mayor Lim? May kapangyarihan ba siya magbigay ng ganyang order?”
Sabi ni ng spokesperson ni Lim, kaya naman daw sinabi yun ng mayor dahil armado daw ang limang pulis na mga suspek. Ang sinabi daw na shoot-to-kill ay kung lalaban kapag inaresto.