Kung hindi garapal, tanga.
Ito ang impresyon na nakukuha ko ng mga opisyal ng pamahalaan habang pinapanood ko ang hearing tungkol sa Legacy firms ng Senate Committee on Trade and Commerce sa pamumuno ni Sen. Mar Roxas.
Dahil sa recess na, tatlong senador lang ang dumalo ngunit maayos ang hearing. Kasama ni Roxas sa pagtatanong sina Senate President Juan Ponce Enrile at Sen. Rodolfo Biazon.
Maliban kay Celso de los Angeles, may-ari ng Legacy Plans, na hanggang ngayon ay hindi uma-amin sa kanyang kasalanan at nagpupumilit na inosente siya, ang isang natalupan ay si Commissioner Jesus Enrique Martinez ng Secuties and Exchange Commission na siyang dapat magbantay ng mga insurance at pre-need companies na nagtitinda ng mga educational plans.