Skip to content

Tag: Legacy banks

Kabit-kabit na sabit

Sa hearing kahapon tungkol sa pagbagsak ng mga Legacy banks na pag-aari ni Celso de los Angeles na malapit kay Vice President Noli de Castro at House Speaker Prospero Nograles, inalam ni Rep. Rufus Rodriguez kung sino ang mga judges na nag-isyu ng temporary restraining order sa Bangko Sentral ng Pilipinas sa kanilang imbestigasyon.

Pinangalanan si Lina Valenzuela ng Manila Regional Trial Court. Ganun din ang tatlong Court of Appeals justices na nagpatibay ng desisyon ni Valenzuela. Sila ay sina Justice Apolinario Bruselas, Jr., Bienvenido Reyes at Mariflor Punzalan Castillo.

Dahil sa kanilang TRO sa imbestigasyon ng BSP na ipinalabas noong Mayo 2008 at napabale wala lamang nang labas rin ng TRO sa kanilang TRO ang Supreme Court noong Nobiembre 2008, nakaloko pa ang mga bangko sa ilalim ng Legacy ng libo-libong depositors at nakakuha ng halagang P1.3 bilyon.