Mabuti naman at sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino na magsasampa sila ng kaso laban kay Edward John Gonzales, ang 30-taong gulang na nambaril sa MMDA traffic enforcer na si Larry Fiala, na ngayon ay nasa-ospital pa rin.
Dapat talagang panagutin si Gonzales sa kayang ginawa. Dapat maparusahan ang mga taong kapag nakakotse ay akala mo hari sila.
Sana hindi matulad itong kaso sa nangyari sa security guard na si Ricardo Bonayog na takot ipagpatuloy ang pagsampa ng kaso sa abusadong kongresista ng Lanao del Sur na si Rep. Mohammed Hussein Pangandaman.
Kung sabagay, iba ang sitwasyun ni Bonayog dahil opisyal ng pamahalaan ang kanyang nakabangga at hindi sigurado kung susuportahan siya ng kanyang kumpanya.