Tinawagan ko kahapon si dating congressman Prospero “Butch” Pichay tungkol sa kumakalat na tsismis na kaya daw walang pera para sa kampanya ang mga senador ng Lakas-Kampi-CMD at walang perang pambigay sa mga lokal na kandidato dahil binulsa raw niya ang pera.
Natawa lang si Pichay, na tumakbong senador noong 2007. “Nag-abono na nga ako ng P20 milyon. Tapos sabihin binulsa ko?”
Sabi ni Pichay ang kanyang assignment sa Lakas-Kampi-CMD ay mga senador. Si Local Governments Secretary Ronaldo Puno ang nag-manage ng kampanya ni presidential candidate Gilbert Teodoro at Vice Presidential candidate Edu Manzano.
Sabi ni Pichay P90 milyon lang daw ang binigay sa kanya para sa anim na kandidato ng Lakas-Kampi-CMD para senador na sina: re-electionists Lito Lapid at Bong Revilla, radio broadcaster Rey Langit, dating cabinet Secretary Silvestre Bello III, Raul Lambino, at Ramon Guico, mayor ng Binalonan at presidente ng Mayor and League of Municipalities President.