Skip to content

Tag: Jocjoc Bolante

Multuhin sana sila ni Marlene Esperat

marlene-esperat Ito ang nasabi ng abogadong si Harry Roque nang malaman niya na ibinasura ng Ombudsman ang kasong isinampa ni Marlene Esperat laban kina Agriculture Sec. Arthur Yap, dating Agriculture undersecretary Jocelyn “Joc-Joc” Bolante, sa salang ilegal na paggamit ng pondo ng bayan.

Ito ang kasong kaugnay sa P728 milyon para sa abono ng mahihirap na magsasaka na ginamit para pambili ng boto para kay Gloria Arroyo noong eleksyon ng 2004.

Ang resolusyon ay inaprubahan ni Overall Deputy Ombudsman Orlando Casimiro at Assistant Ombudsman Jose de Jesus Jr base sa rekomendasyon ni Director Elvira Chua ng Preliminary Investigation, Administrative Adjudication and Monitoring Bureau ng Ombudsman.

Siyempre lahat yun aprubado ni Ombudsman Merceditas Gutierrez na kaklase at matalik na kaibigan ni Mike Arroyo.

Kanino natatakot si Bolante?


ABS-CBN photo of Bolante upon arrival at the NAIA1 Oct. 28, 2008

Click here for more of Bolante photos and ABS-CBN’s account of Bolante’s arrival

Click here for Inquirer’s account on Bolante’s arrival

GMA-7’s report

Maintriga ang mga tanong ng abogadong si Harry Roque kung bakit ayaw na ayaw ni Joc-joc Bolante, dating undersecretary ng agriculture, na umuwi dito sa Pilipinas.

Biruin mong minabuti niyang magpakulong sa Amerika kaysa umuwi dito sa Pilipinas samantalang kaibigan naman niya ang mga nakaupo sa Malacañang. Sabi ni Harry, na siya talagang nagpursige na maibalik si Bolante sito sa Pilipinas, kung tungkol sa paggamit ng P728 million sa kampanya ni Arroyo noong 2004 na eleksyon na dapat ay pambili ng abono na gagamiting ng mga magsasaka sa patanim ng palay, alam naman ng lahat yan.

Kung si dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano nga hindi nagalaw dahil sa lakas ng prutekta ng Malacañang, hindi ba kampante si Bolante na prutektahan din siya ng kanyang mga kaibigan sa Malacañang? Bakit takot siya umuwi dito? Kung hindi pa siya idiniport ng Amerika, ayqaw niya talaga bumalik sa Pilipinas.