Binigyan ng Senado nang mag-asawang Ligot kung tulungan nila ang pamahalaan na maibalik sa sambayanang Pilipino ang milyon-milyon na pera na nanakaw sa sambayanang Pilipino o magpakulong. Sa ngayon mas gusto nilang magpakulong.
Naka-detain si Lt. Gen. Jacinto Ligot sa Senado dahil sa ginawang niyang hindi pagsipot sa hearing na ginagawa ng Blue Ribbon Committee sa pangunguna ni Sen. TG Guingona. Ang kanyang asawang si Erlinda ay hindi pa kinukulong. Humanitarian reasons daw.
Pambabatos naman kasi ang ginagawa niton mag-asawang Ligot kasama na rin ang kapatid ni Mrs. Ligot na si Eduardo Yambao sa kanilang pagsisinungaling sa Senado tungkol sa pagnananakaw na ginawa nila sa pera ng military nang comptroller si Ligot nang panahon na ang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines ay ang nagpakamatay na dating Defense Secretary Angelo Reyes.
Kapag pinapanood mo ang imbestigasyun ng Senado na nagsimula sa kontrobersyal na plea bargain agreement ng Ombudsman ng isa pang dating military comptroller,si Maj. Gen. Carlos Garcia, na ngayon ay pinalawak na sa mga corruption sa military nang lumabas ang dating military budget officer na si George Rabusa, makikita talaga ang kahalagahan ng pagsabi ngkatotohanan.