Noong Sabado, habang atensyun ng bansa ay sa baha sa Metro Manila at Central Luzon, may malagim na nangyari sa Isabela City sa lalawigan ng Basilan.
Binaril si Daryll Kinazo, 45, election officer ng Isabela City pagkatapos ng registration para sa mga may kapansanan (Persons with Disabilities). Namatay siya sa speedboat na sana ay yun ang magdadala sa kanya sa ospital sa Zamboanga City, mga dalawang oras ang layo sa Basilan.
Ayun sa report ng Mindanews, mga 3 ng hapon, katatapos lang ng pagsupervise ni Kinazo ng registration para sa PWD sa gym ng lungsod. Sumakay ang Comelec opisyal sa kanyang motorsiklo pauwi sa kanyang bahay sa Barangay Balobo sa Lamitan City nang tinabihan siya ng motorsiklo na may sakay na dalawang tao (riding in tandem) at binaril.