Iba-iba ang opinyun sa nangyari kahapon sa panhu-hostage ngunit lahat naman sang-ayon na ang nagpaglala ng isang delikado na na sitwasyun ay ang pag-aresto ng mga pulis sa kapatid ng hostage-taker.
Ang nang hostage ay si dating Senior Inspector Rolando Mendoza. Ang kanyang kapatid naman na nasa Manila Police Department traffic bureau ay si SPO2 Gregorio Mendoza.
Ang sama kasi ng pagkahuli ng pulis na kuhang-kuha sa TV na pinapanoon naman ni Rolando sa bus. Hapon nang pumunta si Gregorio sa Luneta nang mabalitaan niya sa radio na nag-hostage ang kapatid niya. Noong una, pinayagan pang mga pulis si Gregorio na maka-usap si Rolando . Pinaki-usapan nga niya nga na palawigin ang deadline lampas sa alas-tres ng hapon na kanyang unang binigay na pumayag naman.
Nag-iba ang takbo ng sitwasyun nang inaresto ng mga pulis si Gregorio at sinabing kakasuhan daw ng pakikipagsabwatan kay Rolando. Siyempre natakot si Gregorio lalo pa nang dinadaan daw siya sa likuran ng presinto. Sa takot niya, tumakbo siya sa media na nagku-cover.
Nang pinapanood ko ang pag-aresto kay Gregorio, naala-ala ko ang eksena ng paghablot ng mga kamag-anak ng asawa ni Ted Failon habang sila ay nagbabantay sa kanilang naghiningalong kapatid sa hospital.