Kapag hindi mo pa talaga panahon, kahit anong gawin sa iyo, sagasa-an ka man ng tren, itapon ka man sa mataas na gusali, mabubuhay ka pa rin. Samantalang kung oras mo na rin talaga, kahit gaanong pera ang gagastusin o kahit natutulog ka lang, mawawala ka na sa mundo.
Hindi tayo dito mananatili sa mundo kahit isang minuto na sobra o kulang sa itinakda sa atin.
Ganun ang nangyari kay Grace Capistrano, ang pulis-informer sa Laguna na binaril, sinaksak ng 24 beses, itinapon sa bangin, nabuhay pa rin!
Ayon sa report ng pulis noong Miyerkules, mga ika-pito ng gabi, kinuha ng dalawang pulis na sina PO2 Mario Natividad at PO1 Antenor Mariquit si Capistrano sa kanyang bahay sa Angono, Rizal. Itinulak siya sa loob ng sasakyan , tinalian ang mga kamay at linagyan ng duct tape ang bunganga.
Pagdating sa Pagsangjan, Laguna, hinulog siya sa bangin at binaril. Natamaan siya sa paa.