Kamakailan, kausap ko si Albay Gov. Joey Salceda, ang economic adviser ni Arroyo, at inamin niyang talagang hindi nakuha ni Arroyo ang tiwala at pagmamahal ng taumbayan.
Paano ba naman nila itatanggi yan. Sa Disyembre 2009 na survey ng Social Weather Station, minus 38 ang satisfaction rating ni Arroyo. Sobra 60 porsiyento ang ayaw sa kanya at 23 na porsiyento lang ang kuntento sa kanya. Siya ang pinakaii-nisan na presidente sa Pilipinas mula ng mabalik ang demokrasya sa Pilipinas noong 1986.
Sabi ni Salceda ngayon daw nakita nila na “Good economic performance cannot compensate lack of mandate”. (Hindi talaga mapagtakpan ng magandang ekonomiya ang kawalang mandato o kung hindi ka binoto ng taumbayan.)