Tama naman pala na hindi dumalo si Gloria Arroyo sa unang state-of-the nation address ni Pangulong Noynoy Aquino noong Lunes.
Kasi kung dumalo di parang siyang sinampal-sampal. Sayang at hindi na-focus sa camera ang mukha ng anak niyang si Mikey Arroyo, ang nang-agaw ng puwesto ng mga security guards at tricyle drivers, habang isinawalat ni PNoy ang tungkol sa calamity fund sa Pampanga.
Si Mike ang dating kinatawan ng pangalawang distrito ng Pampanga na ngayon ay hawak na ng nanay niya.
Ito ang sinabi ni P-Noy tungkol sa Pampanga: “Naglaan ng dalawang bilyong piso na Calamity Fund bilang paghahanda para sa mga kalamidad na hindi pa nangyayari. Napakaliit na nga po ng pondong ito, ngunit kapapasok pa lang natin sa panahon ng baha at bagyo, 1.4 billion pesos o sitenta porsyento na ang nagastos.
“Sa kabuuan ng 108 million pesos para sa lalawigan ng Pampanga, 105 million pesos nito ay napunta sa iisang distrito lamang. Samantala, ang lalawigan ng Pangasinan na sinalanta ng Pepeng ay nakatanggap ng limang milyong piso lamang para sa pinsalang idinulot ng bagyong Cosme, na nangyari noong 2008 pa.