Kung walang masama na binabalak si Gloria Arroyo, madali naman niyang sabihin na pagdating ng Hunyo 30,2010 bababa na siya sa Malacañang dahil yun naman talaga ang nakasaad sa Constitution.
Sa totoo lang, sa bawat minuto na nasa Malacañang si Arroyo ay paglapastangan sa batas at Constitution dahil hindi naman talaga siya binoto, kailan man, ng sambayanang Pilipino. Inagaw niya ang pagka-presidente noong Enero 2001 at nandaya siya noong May 20004. ‘Yan ang sinasabi ni Susan Roces na, “You stole the presidency not once but twice.”
Kaya lang sa sobrang kabaitan ng Pilipino, parang nagiging doormat na tayo. Tinatapakan na hindi pa rin uma-alma. Ayaw kasi nating ng gulo. Kahit harap-harapan na tayo niloloko, okay lang basta walang gulo. Hindi natin naiisip ang mas malaking gulong idinudulot ng isang ilegal na administrasyon.