Skip to content

Tag: financial crisis

Kasakiman

Kung titingnan natin ang dahilan ng financial crisis sa Amerika at ang eskandalo sa nakakalason na gatas sa China na yumayanig ngayon sa buong mundo, ang puno’t dulo ay kasakiman. Ang walang kabusugan na pagnanasa ng ilang tao sa pera.

Hindi ko masyado alam ang pasikot-sikot sa mga bagay na financial (kaya hindi talaga ako yayaman) ngunit ang pagka-intindi ko sa nangyari sa Amerika ay ang malalaking mga investment firms katulad ng Lehman Brothers ay pera sa mga sinasabi nilang “subprimes” o mga negosyo na hindi masyadong establisado ngunit malaki ang tubo. Yan ang magic word: malaki ang tubo.

Dito sa mundo, lahat may kapalit. Kung gusto mo sigurado, wala masyadong risk, maliit lang ang tubo. Kung gusto mo malaking tubo sa maigsing panahon, sumali ka sa mahilig sumugal. Kapag tsumamba, jackpot. Kapag minalas naman, bagsak. Ganun ang nangyari ngayon sa Amerika.