Ang isang malaking kasalanan ni Gloria Arroyo sa sambayanang Pilipino ay ang pagsira ng mga institusyon pangdemokrasya para lamang manatili siya sa kapangyarihan.
Sinira niya ang military nang ginamit niya ito para mandaya para sa kanya noong 2004 na eleksyun. Sinira niya ang institusyon ng hustisya sa pamamagitan ng paglagay ng mga taong kulang sa integridad basta lang susunod sa gusto niya.
Sinira niya ang Comelec sa paggamit niya para mandaya sa kanya.
Ang mandato ng Comelec ay ang siguraduhin na magkaroon ng maayos, malinis, at kapani-paniwala na eleksyun na magpapalabas ng kagustuhan ng taumbayan. Ang eleksyun ay isang mahalagang elemento ng demokrasya. Ang eleksyun ang nagbibigay buhay sa sinabi ni Abraham Lincoln, dating president ng Estados Unidos, na ang demokrasya ay “pamahalaan ng taumbayan, na pinapamahalaan ng taumbayan, para sa taumbayan.”