Nabuhay na naman ang usapang PEACe Bonds ( Poverty Eradication and Alleviation Certificates) dahil sa Oktubre 18, magbabayad na ang pamahalaan ng P35 bilyon sa ibinentang bonds na ang kumita ng husto ay ang CODE-NGO (Caucus for Development-Non-Government Organization).
Click below for:
Position paper of CODE-NGO on Peace Bonds
Statement of the Freedom from Debt Coalition on PEACe Bonds
Ang CODE-NGO ay organisasyun ng grupo nina Social Services Secretary Dinky Soliman.
Ito ngayon ang interesante. Noong binabatikos ito noong 2001 sa Kongreso, ang nagdedepensa kina Soliman ay si Mikey Arroyo, anak ni Gloria Arroyo, na doon ay kongresista ng pangalawang distrito ng Pampanga (ang nanay niya ang may hawak ng puwesto nay an ngayon) na ngayon ay miyembro pa rin ng kongreso ngunit bilang kinatawan ng mga security guards at tricycle drivers.