Sinabi ng Board of Inquiry ng Philippine National Police na siyang nag-imbestiga sa trahedya sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25 na nilabag ni Pangulong Aquino ang chain of command.
Dahil doon nagkandaloko-loko ang operasyon. Umabot sa 67 na buhay ang nalagas kasama na doon ang 44 na miyembro ng SAF, 18 na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front at 5 na sibilyan.
Sa halip na purihin ang BOI sa pamumuno ni Police Director Benjamin Magalong, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group, inabswelto pa rin ni Interior Secretary Mar Roxas si Pangulong Aquino.