Habang sinusulat ko itong kolum, nanood ako ng hearing ng mga “Euro generals”, ang tawag sa mga opisyal ng Philippine National Police na pumunta sa Moscow noong isang buwan at ang isa ay nahulihan na may perang dala sobra sa legal na limit sa pagdala ng pera sa Europe.
Lalong nagkandabuhol-buhol ang kuwento kung saan galing ang 105,000 euros (P6.9 milyon) na nahuli ng Russian customs kay Maria Fe de la Paz, asawa ni Police Director Eliseo de la Paz, nang paalis na sila sa Moscow papuntang Poland pagkatapos nila dumalo sa isang InterPol conference.
Lumabas na 150,000 euros pala ang dala ni de la Paz dahil may isang negosyante na nagpadala ng 45,000 euros sa kanya pambili ng relo. Grabe namang mahal na relo yun.